Bago ako magsimula, ipinapaalam ko na sa inyo na hindi ko layuning siraan o pasikatan ang isa sa mga nabanggit ko na palabas. At siyempre, personal ko lamang itong opinion at walang kinalaman ang sinuman sa lahat ng sasabihin ko.
Parang nakakatakot noh? Hehehe…
Ngayon pa lang sinasabi ko sa inyo na mas nagugustuhan ko ngayon ang Wowowee over Eat Bulaga.
Bakit? Basahin mo…
Kung noon sinasabi na gaya-gaya ang ABS-CBN sa paglabas ng MTB noon, ngayon naman ang Eat Bulaga ay desperado na gayahin ang lahat ng ginagawa ng Wowowee. Una na dito ang pamimigay nila ng papremyo. Dati, me Laban o Bawi lang ang Eat Bulaga, pero ngayon madami na, me Text Pot, On the Spot, at kung anu-anong pot. Kasama na dito ang mga pagbati nila sa mga OFW mula sa ibang bansa na dati naman at di nila ginagawa pero dahil ang Wowowee ay ginagawa ito, ginaya nila.
Ikalawa na lang, naging masyado nang mayabang ang ilan, inuulit ko, ang ilan sa mga hosts ng EB. Isa na dito ang madalas nilang pagtira sa personal na bagay lalo na ang tungkol kay Willie Revillame. Ang maganda naman kay Willie, hindi niya ito pinapatulan at bagkus ang paulit-ulit niyang sinasabi, siya ay idolo niya ang trio ni Tito, Vic at Joey. Sunod dito ang madalas na pangangalandakan ng kanilang ratings na kung tutuusin ay di natin mawari kung paano ba ito nakukuha at ano naman ngayon kung mataas ang ratings? Me mga magandang halimbawa ba sila na naipapakita?
At kung magandang halimbawa at mga values naman ang pag-uusapan mas angat talaga ang Wowowee.
Nitong nakaraang buwan, may isang episode ng Wowowee ako na napanood. Me isang lalaki na kinakalaban ng mga Bigat 10. Noong bandang huli na, may nakalaban siya na dalawang matandang babae. Nagtanong si Willie at nakuha noong lalaki ang sagot. Siyempre panalo siya at pasok sa jackpot round. Akala ko ay tapos na ang lahat. Pero medyo nabigla ako, pati na si Willie, nang biglang sinabi ng lalaki, teka lang po nanay. Hinabol niya ang dalawang matanda. Tapos sabi niya kay Willie, ibibigay ko na lang po itong 10,000 na natira sa akin. Hati na po sila. Medyo muntik ako maiyak noon, kasi ba naman kahit na iyung lalaki na iyun ay naghihirap na. Mas inisip niya na tumulong pa rin.
Sabi nga sa bawat magandang bagay na ating ginawa, may balik din ito sa atin. At sa jackpot round, nanalo ang lalaki ng tricycle.
Sa Wowowee, nakita ko na nailalabas ang magandang ugali ng mga Pilipino. At sa pamamagitan nito, makikita natin na may pag-asa pa rin ang ating bansa. Matagal na nga ang Eat Bulaga, mahigit 25 taon na. Pero imbes na gumanda, pumapangit sila. Sayang naman.
Sa Wowowee naman, sana lang ay patuloy silang maging ganyan palagi. Huwag na huwag nilang gagawin ang mga pagkakamali ng EB. Sana nga huwag.
Kapamilya ba ako? Oo ata mas maganda ata ang nasa pamilya kesa ang puso. Mas matatag ang pamilya kesa puso.
Sang-ayon ka man o hindi, ito ang masasabi ko.
Susunod: Siyete |