Ang Malikot na Utak ni Dennio

Your Ad Here

Well, isa lang ito sa mga masasabi ko na palakasan na lang ng loob. Matamaan na ang matamaan. Masira na ang reputsyon ko pero ito ang nararapat. Malaman ng lahat. Lately, i've been diving around the darkest sides of our society. Literally, the darkest side. And I have, discovered a lot. Learn from it. Live with it. Magulantang ka. This is the liberal side of me.


Tuesday, February 12, 2008
Mga Salawikain

Narito ang ilang mga salawikain na nakakuha ng aking atensyon.

  1. Ang mapuputing buhok ay tanda ng kabatiran at ito’y lalong pinagaganda ng ating paggalang.
  2. Ang lahat ng pinag-daana’y tandaan at ang gayo’y gintong aral.
  3. Sa lahat ng nakikita, may aral na nakukuha.
  4. Papuri sa harap, sa likod paglibak.
  5. Walang umaani ng tuwa na di sa hirap nagmula.
  6. Umaakyat ma’t mahuhulog, mabuti pa ang namumulot.
  7. Ang pag-ibig sa kaaway, siyang katapangang tunay.
  8. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
  9. Mabuti pa ang nag-iisa, kaysa may masamang kasama.
  10. Ang taong nauntog na madalas, natututong yumuko’t mag-ingat.
  11. Nang madapo na ang langaw sa sungay ng kalabaw, sa sarili, ang palagay: mataas pa sa kalabaw.
  12. Sa bayan ng mga bulag, makapaghahari ang pisak.
  13. Hindi matuturang santo, kapag hindi nagmilagro.
  14. Ang mabuting aklat, kaibigan lagging tapat.
  15. Kung tubuan ka ng pakpak, saka ka naman lumipad.
  16. Bago maging panginoon ka ng iba, piliting ang sarili ang maging panginoon muna.
  17. Iba ang may natutuhan, kaysa may pinag-aralan.
  18. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman.
  19. Pag ang tao’y nasusuko, tinatandaan ang pagtungo.
  20. Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
  21. Buti pa ang hayup sa kagubatan, kaysa mamamayang walang kalayaan.
  22. Kababaan muna bago ang kataasan.
  23. Mabuti ang maliit na dampa, kaysa magarang gusali na nakasangla.
  24. Walang bayaning matapang sa sinasamang kapalaran.
  25. Ang pitasin mo ay hinog, huwag masiyahan sa bubot.
  26. Kung ano ang kamulatan, siyang pagkakatandaan.
  27. Ang malabis na pag-asa, dalamhati ang ibubunga.
  28. Nangangako ng mahigpit samantalang nasa kagipitan; Nang lumuwag na ang lagay, ang pangako’y nalimutan.
  29. Walang kapangitang di may kabutihan.
  30. Ang sigaw ay malapit, ang bulong ay malayo ang sapit.

Labels: , , , , , ,

posted by J.D. Lim @ 2/12/2008 03:33:00 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 

Ang Malikot na Utak ni Dennio

↑ Grab this Headline Animator


About Me

Name: J.D. Lim
Home: Bulacan, Region III, Philippines
About Me: The journey is just beginning.
See my complete profile
Previous Post

blog readability test

Movie Reviews




Archives
Shoutbox


Links
Counter/listings

Web Page Counter
Overstock Coupon Codes

Listed on BlogShares


My blog is worth $1,693.62.
How much is your blog worth?


Page Rank Check

Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER